(evil grin) har har har (evil grin), dahil tapos na ang sem, pwede na uli ako mamaluktot at magpagulong gulong sa kama hanggang tanghali. Ang galing mo talaga Tanya! pagkatapos mo mahimatay dahil sa 48 oras na walang tulog, di na mabilang na beses na nagka sipon, ubo at lagnat at nagkasipon, ubo at lagnat uli, kumain ng average na 10 ponkan sa araw na may sipon, ubo at lagnat, umiyak ng ilang beses habang pilit na iniintindi ang Calculus habang (LSS: Fix You) nagmunimuni kung ano kaya ang mali ko sa problems sa quiz sa Finac 2, mga 2-3 na beses na lumagpas sa Philcoa dahil nakatulog sa FX, kalahati at 3 araw na nawalan ng boses during Finals week dahil sa over fatigue at stress. $#!*!! buhay ka pa?! (Evil grin) Lord Salamat (mahal mo pa rin ako) .
Congrats din sa blockmates ko, next Semester uli guys! cheers!
habang nagtytype ako, napansin ko na nanglilimahid na sa alikabok ang keyboard ko. tagal na din na hindi ko nalinis. grabeh, yung mouse may itim-itim pa sa ilalim. kadiri. parang ayaw pa yta matanggal sa wet wipes..... ahhhh... yun naman pala technique, wet wipes tapos punas ng tissue. ayos!
di na ako makapaghintay sa roadtrip up-north photoshoot namin nina Lisette. Pero bago yun, magdadasal muna ako na sana medyo sumabit sa uno ang Calculus. Remote ang chances na pumasa pero ako ay nananalig na sana pumasa. I think, hindi naman ako bogart, pero kapag XY XY na math, parang hating gabi talaga ang pakiramdam ko. Accounting subjects walang problema. Haayyy... Roadtrip.... di na ako makapaghintay. Fast forward. Fast forward.